Wednesday, August 28, 2013

Kabog sa dibdib

Literally, I am staring blankly at space with tears falling, continuously flowing and asking myself what I can do? Sa trabaho, hindi ko magawang maging normal. Maya't maya napapaluha at natitigilan. Parang hindi ko kaya, pero dapat kong kayanin. Ang hirap maging dayuhan. Ang dami mong kailangan gawin para mapatunayan na karapat-dapat kang manatili. Pero di pa rin sapat. Isa lang naman ang ninais namin. ANG MAGKASAMA-SAMA. Ang OA ko pero hindi naman ito ka OA-yan. Nakakalungkot sobra! Kanina nung papauwe kame, di ko mapigilan ang sarili ko sa pagluha. Sabi ko kay Lord, "Anu po ba ang kailangan kong gawin para mag stay ang Ate ko dito. Eventually magsasarili naman kameng lahat. Pero Lord, magkakaibang bansa? Ang layo naman po." Pwede naman magbakasyon bakasyon. Pero parang ang hirap kase. Ang layo. Mula ng bata ako, kasama ko na mga kapatid ko. Mas naging masaya pa ngayon dahil sa pamangkin ko. Di pa ako handa. Lord, ito po ba talaga ang plano nyo? Kanina nung naglalunch kame ng Ate ko, sabi nya ako yung best friend nya. Napangiti ako. Sabi pa nya, ang swerte namen kase magkakasundo kameng magkakapatid. Yung ibang magkakapatid, di na nag-uusap. Sabi ko sa kanya, mabait talaga sya kase natatagalan nya ako. Sa totoo lang sa tingin ko, ako yung talagang maapektuhan. Biruin mo, sa umaga, naghihintayan kame sa pagpasok sa trabaho. Sabay kame pumasok. Drive or train magkasama pa rin. Dati pareho pa kame ng team. Lunch sabay, hati sa pagkain. Pag minsan merienda, lalabas pupunta sa Asian shop, bibili ng snack, chichiriya at juice. Sabay uuwe, tatakbo at hahabulin ang train. Minsan pag gutom mag ha Hungry Jacks. Kwentuhan, tawanan, labasan ng sama ng loob sa trabaho. Lord, sana po matanggap sya sa role na inaapplyan nya. Baka yun na lang po yung natatanging paraan. Wala syang katulad. Ang dame kong naging kaibigan pero sya ang higit na sumuporta sa akin. Lagi nakikita ang positive sa mga bagay. Akala mo wala syang pakialam, pero lahat ng sinasabi nya may sense. Pati mga kilos nya alam nya. Parang sukat. May super powers ata sya. Hindi talaga ako iniwan ng pamilya ko. Sana lagi kameng magkakasama. When a door closes, a window opens. Well mas maliit ang window. Hindi ka actually pwede dumaan the same as you can use a door. Pero may air na papasok. Siguro may tanawin. Kung anu meron, make the most out of it. Kaya yan LOrd. With you anything is possible. Kaya yan. Kailangan maging matatag at matapang!

No comments: